Featured Posts

Featured Posts
Featured Posts

JADSpirits Travel Log

JADSpirits Travel Log
JADSpirits Travel Log

Daday's Kitchen

Daday's Kitchen
Daday's Kitchen

Pulubi… by Einna Onainebas

Ika-30 ng Marso, 1998


Sino ka? Ano ang papel mo sa mundo? May halaga ba ang buhay mo? Yagit. Palaboy. Pakalat-kalat sa daan. Basura ng lipunan. Gulanit ang damit. Nanlilimahid.

Anong bukas ang naghihintay sa isang katulad mo?  “Palimos po ng barya”, ang sambit sa tuwina. 

Nakasalalay ang pangangailangan mo sa mga taong maaawa sa iyo. Paano kung walang magbigay ng barya, anong mangyayari sa iyo? Paano maiibsan ang kalam ng sikmura mo? Sapat na ba ang isang basong tubig para mawala ito?

Pagsapit ng gabi, saan ang uwi mo? Sa ilalim ng tulay. Sa hagdan ng LRT. Sa upuan sa Luneta. Sa harap ng gusali sa Mabini. Sa breakwater sa Roxas Boulevard. Kahit saan. Kung saan abutin ng dilim basta may kapirasong lugar na malalapatan ng pagod mong katawan.


hapag ng pag-asa
This is the famous 2005 painting, Hapag ng Pag-asa (Table of Hope), by Joey Velasco. The children dining with Jesus are real children from the streets and slums of Metro Manila except for the one under the table who eats with the cat (he is modeled from the unknown Sudan boy of the 'Pulitzer Prize winning photo taken in 1994 during the Sudan Famine). In 2006, Joey wrote a book entitled "They Have Jesus", to tell the story of each of the 12 children. 
Ilan na bang katulad mo ang lumapit sa akin at nakaharap ko. Marami na. Iba-ibang anyo. Iba-ibang linya, iisa ang kahulugan…palimos.

Akala ko noon, kayo lang ang matatawag na mga pulubi. Hindi pala. Dahil sa mundong ginagalawan ko ay may mga pulubi rin.

Maayos ang panlabas na anyo. Maaliwalas ang mukha. Hindi barya ang kailangan. Ano? Pagkalinga. Awa. Atensyon. Pagmamahal. Mas kumplikado. Mas mahirap ibigay. Ang barya dudukot lang sa bulsa ngunit minsan ipinagkakait pa, di ba. Ang emosyon kailangang manggaling sa puso at ipagkaloob ng kusa.

Nakakatawa. Kailan ko lang nalaman na namamalimos din pala ako. Oo, sa mundo ko pulubi rin ako. Mahirap unawain ng isang katulad mo pero iyon ang totoo.

Isa akong pulubi na namamalimos ng atensyon at pagmamahal sa isang taong malayo ang agwat sa akin sa halos lahat na bagay. Hindi siya maramot. Minsan lang, ngunit ayon sa kanya ay para rin sa aking kapakanan. Hangga”t makakaya niya, ibinibigay niya sa akin ang lahat ng hinihingi ko dahil sabi niya “that is for me and I deserved it”.

Noon, tama na sa akin iyon. Maligaya na ako. Kuntento na sa kung anong nandiyan. Pero bakit ganoon? Dumarating pa rin ako sa punto na naghahanap ng higit sa kaya niyang ipagkaloob sa akin? Subalit hindi pa rin siya nagsasawa sa pagbibigay at pag-unawa sa akin. Lagi siyang nandiyan na handang ipagkaloob ang lahat ng kanyang makakayanan. Isang matalik na kaibigan sa lahat ng bagay at sa kahit anong paraan. Bakit hindi na lamang ako masiyahan sa ganoong kalagayan? Bakit kailangan pang hangarin ko na sana ay mahalin niya rin ako sa paraang gusto ko.

Mahirap palang maging pulubi. Nakakapagod ang mamalimos. Hindi ko alam ngayon kung sino sa ating dalawa ang mas mapalad. Ikaw na kalam ng sikmura ang pinoproblema. O ako na kumakain ng tama sa oras ngunit hungkag ang puso at kalooban.

Pulubi. Iyan tayo.

Magkaibang pangangailangan at pananaw. Magkaibang mundo ngunit magkatulad ng kapalaran.

May bukas bang naghihintay sa ating dalawa? May patutunguhan ba tayo o lalaboy na lamang tayo sa ating sariling daigdig?


Labingpitong taon na ang nakakaraan ng isulat ko ang maikling salaysay na ito. Noong magsara ang kompanyang pinapasukan ko, nai-save ko lahat ng personal file ko sa “floppy disks”…di pa uso noon ang CD. At hindi pa rin masyadong mahigpit sa paggamit ng computer para sa personal na dahilan. Windows 95 pa ang operating system.

Akala ko nga nawala na ito…ilang kompanya na ang pinagtrabahuhan ko at pinagdalhan ng mga personal files ko. Subalit, noong isang gabi habang naghahap ako ng mga lumang larawan na gagamitin ko sa isang blog post na sinusulat ko…nagulat ako ng makita ko ito. Marami-rami akong naisulat noong panahong iyon…ngunit lahat ay sulat kamay. Ito lamang ang naka-save sa computer. Dahil sa hiling ng isang kaibigan na mailathala sa newsletter ng kanilang simbahan…kaya kinailangan kong isalin at gawan ng soft copy.

Patungkol ito sa isang napakabuting kaibigan…mabait…maginoo…maalalahanin…matapat…maprinsipyo…masarap kausap. Mga katangiang nagpatibok sa puso ko. Iyon nga lang, may ibang nakalaan si Lord para sa kanya. Alam ko naman ang lugar ko sa simula pa lang. Sinubukan kong piliin at pahalagahan ang pagkakaibigan…kaya lang mahirap pigilan ang puso…kaya hinayaan ko na lang.

hapag ng pag-ibig
Hapag ng Pag-Ibig (Table of Love). As Joey Velasco wrote "This is about the same characters of Hapag gathering in a meal but using a different scene. It is a table of happy faces. They are all having fun and you can see the glow on their eyes.They are not lavish,but they just seem to have the basics of a happy life in the company of a smiling friend in the middle. At the background is a community where their parents build decent houses. They are not branded as squatters anymore. 
Maraming alaala ang ibinalik ng sinulat kong ito. Alaala ng kahapong mas nagpakita sa akin sa lahat ng magagandang nangyari at mangyayari pa sa buhay ko at sa mga aral na natutunan ko.
  • Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit. 
To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven)Ecclesiastes 3:1

  • Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. 
Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened. Matthew 7:7-8

  • Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 
For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11

Footnote:

  • While writing this post, I know from memory that we do not have any photos that I could use. So I tried to search the web for pictures of beggars or hands begging but I could not find anything that can aptly represent this post.

  • Then, I thought of the paintings of "Hapag" by Joey Velasco: Hapag ng Pag-asa (Table of Hope) and Hapag ng Pag-Ibig (Table of Love).

No comments