Nagkita-kita kami isang araw ng Abril ng taong kasalukuyan sa Mequeni Restaurant, Holiday Inn Clark. Ang naging hashtag habang nag-uusap sa pamamagitan ng “text messages” at “facebook pms” ay “lunch ‘til dinner”. Ang dahilan ng pagkikita ay si Jojo na umuwi galing sa pagtatrabaho sa ibang bansa at naka-iskedyul ng bumalik dahil tapos na ang bakasyon.
|
Mula sa kaliwa paikot: Jojo (Rogelio Martinez), She (Shella Patio), Annie, Bette (Bebette Briones), Gie (Gina Vallejo), Dex (Dexter Alfonso), Cious (Precious Anne Cruz). Wala sina Issa (Isabel Del Rosario), Roehl Lawingco at Col Ryan (Ryan Reynie Sonza) |
Kasama ko si Jonjie at dumating kami sa Mequeni Restaurant pasado ikadalawa ng hapon. Nadatnan na namin sina Jojo, She, Cious at Bebette, at ilang saglit ay kasunod naman namin si Gie. Si Dex ay “til dinner” pa makakarating dahil kasalukuyan syang nasa eroplano, galing sa trabaho sa ibang lugar. Si Issa ay may lakad sa Makati at susubukan ding humabol sa “til dinner”. Si Roehl, sabi ni Gie, ay hindi makakarating at si Col. Ryan ay hindi namin nakausap.
Medyo matagal din kaming hindi nagkita-kita, kaya sa pagitan ng pagkain ay ang walang humpay na kuwentuhan…at tawanan…at kulitan. Tamang-tama lang din, kasi “eat-all-you-can” kami sa Mequeni. Wala mang piktyur ang mga pangunahing pagkain (main courses) dahil sa dami pero di pwedeng palagpasin ang panghimagas. At ang “hashtags of the day”, #upmm2013, #friendsforlife, #goodfoods, #happinessandlaughters, #friendshipandstories, #brewedcoffee, #carrotcakeandcheesecake, #applepieandcrepe
Pagkatapos ng kainan, piktyur-piktyur naman…ang “highlight”, turuan si Jojo kung paano mag “selfie” at mag “look-up”. At dahil matagal namin syang di nakasama, siya ang naging “bida” sa biruan at kulitan…pinagtripan at ginawan ng kuwento ang mga piktyur nya sa iPad. Ngunit di pa dito nagtatapos…may karugtong pa…ayun o sa baba.
Pagbabalik Tanaw...
11.04.2011_Ang larawan ay galing sa FB ni Roehl |
Nabuo ang aming samahan tatlong taon na ang nakakaraan
Sa isang silid-aralan sa Clark Extension ng UP Diliman
Iba-iba ang aming edad, estado sa buhay at pinanggalingan
Iba't-ibang kumpanya din ang aming pinagtatrabahuhan
Ngunit kami'y pinagtagpo ng tadhana sa iisang hangarin
Ang mag-aral ng kursong Master in Management.
03.05.2012_Sa harap ng UP Campus (galing sa FB ni Dex) |
12.15.2012 (galing ulit sa FB NI Dex) |
03.23.2013_Pagkatapos kumain sa White House Korean Restaurant Clark (galing na naman sa FB ni Dex) |
04.06.2013_Sa Munting Tahanan ng Nazareth (galing ulit sa FB ni Dex) |
Dalawang grupo kami noong una, ngunit isang araw sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkasama-sama sa tanghalian. At simula noon ay hindi na naghiwalay pa. Sa loob ng dalawampu’t isang buwan, mula ikawalo’t kalahati ng umaga hanggang ikalima’t kalahati ng hapon tuwing Sabado, ay magkakasama kami…sa pag-uulat, grupo man o indibidwal…sa pag-aaral bago ang pagsusulit…at sa araw ng pagsusulit…sa kainan…sa kulitan…umaraw at umulan.
Nagtapos kami sa UP noong nakaraang taon, ikadalawampu’t pito ng Abril. Kulang man kami...subalit, hindi doon natapos ang aming pagkakaibigan. Hindi man kami madalas nagkakasama-sama pero alam naming may kaibigan kaming babalikan sa isa’t-isa.
Salamat UP Diliman,,,salamat sa pagkakaibigang nasimulan…na habang buhay aalagaan.
Salamat UP Diliman,,,salamat sa pagkakaibigang nasimulan…na habang buhay aalagaan.
Dex, maraming salamat sa mga #tbt photos...pumasyal ako sa FB para mangopya ;)
ReplyDeleteOehl, salamat sa piktyur natin kasama si Ma'am Kempis :)