Featured Posts

Featured Posts
Featured Posts

JADSpirits Travel Log

JADSpirits Travel Log
JADSpirits Travel Log

Daday's Kitchen

Daday's Kitchen
Daday's Kitchen

Our Love Story: Ang Aming Muling Pagtanggap ng Basbas ng Kasal

Ngayong araw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mama Mary. Ngayong araw din ang ikalabinlimang anibersaryo ng aming kasal ni Jonjie…kasalang sibil, hindi sa simbahan. At ngayong araw nangyari ang muli naming pagtanggap ng basbas ng kasal...ibig sabihin, mula sa araw na ito, ang aming kasal sa sibil ay may basbas na rin ng simbahan.
DSC_1327
At sa loob ng labinlimang taon, apat na beses na kaming ikinasal at binasbasan.
  1. 09.08.1999 - The Civil Wedding at Imus Regional Trial Court
  2. 12.27.1999 - The Church Wedding at the Presentation of the Child Jesus Christ Parish, BF Homes Paranaque
  3. 12.29.2004 - The Renewal of Wedding Vows on our 5th Wedding Anniversary at Our Lady of the Pillar Parish, Pilar Village Las Pinas
  4. 09.08.2014 - The Blessing of Marriage on our 15th Wedding Anniversary at St. Raphael Parish, Mabalacat City Pampanga
Kahapon
Napag-alaman ko na may mga kinausap pala si Jonjie para sa sana ay “renewal of marriage vows” namin na gaganapin sa mismong ika-8 ng Setyembre. Isa ang kaibigan naming si Bebette Briones na may usapan na pala sila ni Jonjie, tatlong linggo na ang nakakaraan. Kabilang din ang anak naming si Daniz na kinausap nya at dapat ay di ko malaman ang plano. Ngunit dahil sa isa pang mahalagang selebrasyon na magaganap sa pamilya Espiritu, na itinakda din sa malapit sapetsang iyon, minabuti ni Jonjie na hindi na ituloy ang pagpaplano.

IMG_8981 IMG_8973
Kahapon ng umaga habang nasa NLEX (North Luzon Expressway) kami at nagbabyahe papuntang Las Pinas upang dumalo sa binyag at unang taon ng kaarawan ng aming pamangkin, ka-text ko si Bebette. Nakisuyo ako kung pwede mag-alay sya ng thanksgiving mass para sa aming wedding anniversary ng umagang iyon, at kung aabot pa, pati na sa Lunes. Tinanong ko na rin sya kung pwede pa ituloy  ang plano nila ni Jonjie…at mas maganda kung sa ika-8 ng Setyembre mismo. Noong una sabi nya, hindi pwede ang mga pari dahil may selebrasyonng kaarawan ni Mama Mary sa San Fernando, Pampanga. Mahaba ang palitan namin ng mga mensahe. Malapit ng mag ika-1ng hapon ng makumpirma ang araw at oras…Ika-8 ng Setyembre pagkatapos ng misa ng 6:15 ng umaga sa Parokya ng San Rafael sa Mabalacat.

Gabi na kami nakarating sa bahay galing sa Las Pinas…kasama namin si Mommy Lydia…ina ni Jonjie. At noon lang din nya nalaman ang plano naming pagpapakasal ulit. Dahil maaga ang misa at kailanga pa naming makausap ang sekretarya ng simbahan, kailangan kami sa simbahan bago magsimula ang misa. At dahil din wala namang sapat na paghahanda…pagkatapos naming magpahinga ay saka pa lamang namin napag-usapan ang mga kailangang gawin.
  1. Damit na isusuot – bestida para sa akin at long sleeved polo para kay Jonjie
  2. Bulaklak at Belo – di na kailangan
  3. Oras ng pag-alis papuntang simbahan – 5:45 ng umaga kaya kailangang 4:00 pa lamang ay gising na kami
  4. Plano para kay Ate Bevs at Daniz – parehong maaga ang pasok kaya’t napagkasunduan na isasama na namin sila sa simbahan at doon na sila manggagaling papunta sa iskwelahan
Kanina 
DSC_1322DSC_1321
Maaga pa lamang ay nasa simbahan na kami, ngunit sarado pa ang opisina. Mabuti na lamang at nakita ko na si Bebette, nakahinga na ako ng maluwag. Bago magsimula ang misa, binasa ang mga nag-alay at narinig naming binanggit ang “Thanksgiving Prayer nina Emmanuel at Aniceta Espiritu for their weddding anniversary”…at napatingin sa akin si Daniz, nakangiti. Nasa kalagitnaan ng misa ng ihatid sya ni Ate Bevs sa iskwelahan na nasa katapat lang ng simbahan. Mabilis na natapos ang misa alay kay Mama Mary at lumapit na kami kay Bebette upang alamin kung ano ang dapat gawin.

Magkakasama na kaming lumapit kay Father…nagmano kami. At sinimulan na ang aming Blessing of Marriage
DSC_1333
Introductory Rite
We have come together to celebrate the anniversary of the marriage of our brother and sister. As we join them in their joy, we join them also in their gratitude. God has set them among us as a sign of his love and through the years they have remained faithful (and have fulfilled their responsibilities as parents). Let us give thanks for all the favors our brother and sister have received during their married life. May God keep them in their love for each other, so that they may be more and more of one mind and one heart.
DSC_1344
Prayer of Blessing
Lord God and Creator, we bless and praise your name. In the beginning you made man and woman, so that they might enter a communion of life and love. You likewise blessed the union of our bother and sister, so that they might reflect the union of Christ with his Church: look with kindness on them today. Amid the joys and struggles of their life you have preserved the union between them; renew their marriage covenant, increase your love in them, and strengthen their bond of peace, so that (surrounded by their children) they may always rejoice in the gift of your blessing. We ask this through Christ our Lord.
Natapos ang seremonya at nagpasalamat kami kay Father at nagmano.

Sa mga sumusunod na piktyur ay katabi namin sa Mama Mary, kaya lang ay kapiraso lamang ng damit ang nakasama (pasensya na daw po, sabi ng aming opisyal na taga-piktyur na si Ate Bevs).

DSC_1363DSC_1352 DSC_1353 DSC_1357
Matapos ang kaunting piktyur piktyur at maiksing kuwentuhan kasama si Bebette, kami ay nagpaalam na. 

Tumuloy kami sa Rumpa, isang restaurant sa Angeles City, upang mag-almusal. Apat lamang kami. Si Jonjie, Mommy Lydia, Ate Bevs at ako. Hindi pwedeng sumama si Bebette si Mommy (Bebette’s mother) ay kasama na nag iba pa na pumunta sa kumbento.
DSC_1379DSC_1386 DSC_1402
Footnote:
  • Ang nakaplano nina Jonjie ay “renewal of marriage vows” ngunit dahil mabilisan at hindi napag-usapan ng malinaw ang tinagggap namin ay “blessing of marriage”.

No comments